Sinimulan na po ang pagbibigay ng UNA Kard (USSC Network Account Kard) sa unang batch ng magsasaka at mangingisda sa bayan ng Mamburao.

Bahagi po ito ng programa ng Department of Agriculture (DA) para sa patuloy na pag-update ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) kung saan magbibigay sila ng “Interventions Monitoring Card” (IMC) o UNA Kard sa mga validated na magsasaka at mangingisda.

Ang UNA Kard ay magagamit ng beneficiaries para sa mabilis na pag-access sa mga assistance na matatanggap mula sa gobyerno base sa mga estado at sitwasyon ng kanilang sektor. Ito na rin ang magsisilbi nilang ‘identification card’.