Sa pangunguna ng Department of Agriculture, ipinamahagi ang financial assistance sa mga benepisyaryo, kung saan bawat isa ay makakatanggap ng ₱5,000 kada insured na baboy, na may maximum na 20 baboy na maaaring ipainsure. SamantaIang isa sa mga benepisyaryo ang nakatanggap ng ₱100,000 para sa kanyang 20 insured na baboy.

Dumalo din sa programa sina Congressman Odie F. Tariela, Bokal Edie Mangyan, Bokal Ryan Gadiano Sioson, at Mayor Lyn Tria, bilang suporta sa mga apektadong hog raisers upang matulungan silang makabangon mula sa epekto ng ASF.