Tignan!
Naging matagumpay ang pormal na pagbubukas, pagbabasbas at inagurasyon ng bagong tayong Super Health Center sa Bayan ng Mamburao nitong nakaraang sabado, January 25, 2025. Ito ay sa pamamagitan mga pangunahing mga panauhin na naging tulay upang maisakatuparan ang pagpapagawa ng gusaling pangkalusugan.
Pormal din itong dinaluhan ng Committee on Health, Senator Hon. CHRISTOPHER LAWRENCE “BONG” GO, gayundin ang pangunahing mga bisita mula sa Provincial Government Office, Provincial DOH Office, LGU Mamburao sa pangunguna ng ating minamahal na Mayor Angelina F. Tria, Sangguniang Bayan, at Dept. Heads ng Lokal na Pamahalaan, gayundin sa pamunuan ng iba’t ibang Barangay sa ating bayan.
Pinapaabot din namin ang taos pusong pasasalamat sa mga taong naging katuwang upang maging maayos ang nasabing programa sa pangunguna ng ating mga Kapulisan sa Bayan ng Mamburao, TPMED, Lokal na pamahalaan ng Mamburao, at ang ating mga Barangay Health Workers at Barangay Nutrition Scholars.
#SamasamasagawaingpangkalusuganparasaisangHealthyMambureñoatHealthyPilipinas