Ang programang “RHU CARES” ay muling nakapag bigay ng libreng medical check up, dental check up, Rapid Antigen Test para sa Malaria at libreng gamot sa ating mga kapatid na katutubo sa Sitio Santol, Barangay Payompon.

Ang programang ito ay layuning mas mapangalagaan ang kalusugan ng bawat mamayang Mambureños lalot higit ang ating mga kapatid na katutubo at maging abot kamay ang mga libreng serbisyong medikal mula sa Municipal Health Office at ng lokal na pamahalaan ng Mamburao.

Makipag ugnayan lamang sa aming opisina o sa Midwife at BHW para sa susunod pang schedule sa inyong lugar.

Pinapaabot po naming muli ang pasasalamat sa Pamahalaan ng Barangay Payompon sa patuloy na pag suporta sa gawaing pangkalusugan ng aming opisina.