Isa sa mga naging bisita po natin ay ang mga representante ng Landbank.

Naging produktibo ang aming kwentuhan mula sa mga programa at serbisyo ng Landbank na maari tayong makipag-partner para sa ating mga kababayan hanggang sa napunta ang usapin patungkol sa Grand Terminal. Marami na tayong narinig tungkol dito pero mas nabigyan tayo ng linaw mula sa panig ng nasabing bangko dahil sila ang naka-remata ng nasabing Terminal.

Sa kasalukuyan, wala na sa pag mamay ari ng LGU Mamburao ito at wala na rin karapatan ang bayan para ito ay pamahalaan. Ito ay dahil sa hindi pagtupad sa obligasyon ng mga nagdaang administrasyon patungkol sa loan agreement. Gustuhin man natin ito ayusin, wala na tayo personalidad sa kasalukuyan.

Marami pa tayong dapat malaman patungkol sa dati nating terminal. Pero may mga bagay hindi natin inaasahan. Ganun pa man, mananatiling positibo tayo para bayan ng Mamburao at susulatan natin ang nasabing bangko para magkaroon ng dayalogo patungkol sa usapin na ito.