
Mamburao, Occidental Mindoro (1 July 2025) — Naglabas ng limang Executive Orders si Mayor Atty. EK Almero kaugnay ng transparency at accountability sa kanyang unang araw bilang alkalde ng Mamburao, Occidental Mindoro nitong Hunyo 30.
Sa kanyang unang pulong kasama ang lahat ng empleyado ng munisipyo, binigyang-diin ni Mayor Almero na ang transparency at accountability ay dapat na bahagi ng pang-araw-araw na operasyon ng pamahalaang lokal.
“𝘒𝘢𝘩𝘢𝘱𝘰𝘯 𝘢𝘺 𝘭𝘪𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘌𝘹𝘦𝘤𝘶𝘵𝘪𝘷𝘦 𝘖𝘳𝘥𝘦𝘳𝘴 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘯𝘪𝘳𝘮𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯, 𝘰𝘧 𝘤𝘰𝘶𝘳𝘴𝘦 𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘵𝘳𝘢𝘯𝘴𝘱𝘢𝘳𝘦𝘯𝘤𝘺 𝘢𝘯𝘥 𝘢𝘤𝘤𝘰𝘶𝘯𝘵𝘢𝘣𝘪𝘭𝘪𝘵𝘺 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯,” pahayag ni Almero. “𝘚𝘶𝘱𝘱𝘰𝘴𝘦𝘥𝘭𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢 𝘯𝘨𝘢 𝘥𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘌𝘹𝘦𝘤𝘶𝘵𝘪𝘷𝘦 𝘖𝘳𝘥𝘦𝘳, 𝘬𝘢𝘴𝘪 𝘪𝘺𝘢𝘯 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘬𝘢-𝘦𝘯𝘴𝘩𝘳𝘪𝘯𝘦 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘵𝘢𝘴 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯, 𝘮𝘢𝘱𝘢-𝘊𝘰𝘯𝘴𝘵𝘪𝘵𝘶𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘮𝘢𝘯 𝘰 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘶𝘮𝘪𝘪𝘳𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘣𝘢𝘵𝘢𝘴.”
Idinagdag pa ng alkalde na ang pagiging bukas sa publiko ay isang pangunahing tungkulin ng pamahalaan.
“𝘋𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘢𝘺 𝘭𝘢𝘨𝘪 𝘵𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘵𝘳𝘢𝘯𝘴𝘱𝘢𝘳𝘦𝘯𝘵 𝘢𝘯𝘥 𝘢𝘤𝘤𝘰𝘶𝘯𝘵𝘢𝘣𝘭𝘦 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘨𝘪𝘯𝘢𝘨𝘢𝘸𝘢 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯. 𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘥𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘪𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘪𝘵 𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘥𝘰𝘬𝘶𝘮𝘦𝘯𝘵𝘰 𝘯𝘢 𝘱𝘸𝘦𝘥𝘦 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘱𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘤𝘰𝘯𝘴𝘵𝘪𝘵𝘶𝘦𝘯𝘵𝘴 𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘔𝘢𝘮𝘣𝘶𝘳𝘢𝘰,” giit niya.
Gayunpaman, binanggit din ni Almero na ang pagpapakita ng mga dokumento ay dapat sumunod sa umiiral na mga batas at regulasyon.
“𝘚𝘺𝘦𝘮𝘱𝘳𝘦, 𝘴𝘶𝘣𝘫𝘦𝘤𝘵 𝘵𝘰 𝘦𝘹𝘪𝘴𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘳𝘶𝘭𝘦𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘳𝘦𝘨𝘶𝘭𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯𝘴 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘱𝘢𝘨-𝘢𝘳𝘢𝘭𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘪𝘺𝘢𝘯. 𝘒𝘢𝘴𝘪 𝘮𝘦𝘳𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘋𝘢𝘵𝘢 𝘗𝘳𝘪𝘷𝘢𝘤𝘺 𝘈𝘤𝘵 𝘢𝘵 𝘪𝘣𝘢 𝘱𝘢,” paliwanag niya.
Ang mga Executive Order na inilabas ni Mayor Almero ay bahagi ng kanyang pangako na isulong ang mabuting pamamahala at paglilingkod sa mga mamamayan ng Mamburao.
Ang pulong ay dinaluhan ng lahat ng departamento ng munisipyo bilang bahagi ng transition process ng bagong administrasyon.
_____