MARCH 23, 2023 I Socio-Civic Project for each Barangay

Pinangunahan ni Mayor Lyn Tria ang pamamahagi ng Socio-Civic Project sa mga sa mga Barangay Officials, mula sa tanggapang ng Pangulo ng Pilipinas. P 495,000.00 ang dumating na pondo sa Bayan ng Mamburao kung saan nakatanggap ang bawat Barangay Opisyal ng Tag-P 3,000.00.

Samantalang, sinamahan siya nina SB Raff Causapin, SB Oliver Mataro at Municipal Treasurer Reynaldo Villarosa Abeleda. Aniya, Basta’t ang biyaya ay para sa barangay, uunahan niya agad itong ipamahagi upang makatulong sa mga frontliners ng buong bayan.

Kaalinsabay nito ay ang kanyang paanyaya sa mga ito para sa darating na pagdiriwang ng ika-72 taon ng Pagkakatatag ng Bayan ng Mamburao.