Dahil sa nalalapit na pasukan, muling ipinamalas ng Pamahalaang Bayan ng Mamburao ang malasakit nito sa kabataang Mambureño sa pamamagitan ng pamamahagi ng financial assistance sa mga piling iskolar ng bayan.
Bagama’t ito ay katumbas lamang ng isang buwang halaga, layunin ng programang ito na kahit papaano ay maibsan ang gastusin ng mga magulang at mag-aaral sa pagsisimula ng klase. Patuloy ang LGU Mamburao sa pagtutok sa edukasyon bilang susi sa pag-unlad ng kinabukasan ng mga kabataan.
