August 30, 2023

Sa atas ng ating punong bayan Angelina Lynn Tria ang tanggapan ng MDRRMO ay namahagi ng mga Family Packs sa mga pamilyang nasira ang kabahayan o Totally Damage sa Sitio Tuguilan, Brgy. Tayamaan. Kung saan naanod ang kanilang kabahayan dulot ng malakas na pag-ulan sanhi ng Habagat na pinalakas ni Bagyong Goring.

Ang mga nasabing family packs ay nagmula sa Office of Civil Defense-MIMAROPA, katuwang ang PDRRMO Occidental Mindoro upang makarating dito sa ating Bayan. Nakalaan ang Family Packs sa mga pamilyang higit na naapektuhan ng isang kalamidad.