Bago matapos ang termino ni Hon. Mayor Angelina F. Tria, natupad rin ang isa sa kanyang matagal nang pangarap, ang magkaroon ng sariling firetruck ang ating bayan. Isang mahalagang hakbang para sa kaligtasan at kahandaan ng buong Mamburao!
Ang proyektong ito ay pinondohan sa ilalim ng MDRRMO, at naging posible dahil sa patuloy na suporta ng ating masisipag na taga-MDRRMO at sa walang kapantay na dedikasyon ni Mayor Angelina F. Tria.
Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng proyektong ito lalo na sa ating butihing Mayor, na patuloy na inuuna ang kapakanan at seguridad ng bawat Mambureño.