MAMBURAO, Occidental Mindoro – Nagkortesiya na ang mga opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) MIMAROPA Regional Office sa tanggapan ni Mayor Atty. E-K Almero bilang pagkilala sa kanyang pamunuan.

Kabilang sa mga bumisitang kawani ng DSWD ay sina:

* Rosemarie V. Pidenes, Social Welfare Officer II

* Roldan Nicolas, Social Welfare Officer II

* Irish Villar, Admin Assistant I

* Jennilyn Laron, Admin Assistant III

Sinamahan naman sila ni Mamburao MSWDO Noralen Nieva.

Inaasahang magdudulot ang pagbisitang ito ng mas malapit na koordinasyon sa pagitan ng DSWD at ng lokal na pamahalaan ng Mamburao para sa mga susunod na proyekto na akma sa pangangailangan ng mga mamamayan ng bayan.