MAMBURAO, Occidental Mindoro – Bumisita nitong Hulyo 2 sa opisina ni Mayor Atty. E-K Almero ang kanyang matalik na kaibigan at kapwa abogado, si Atty. Jill Espejo na ngayo’y bagong halal na Board Member para sa Unang Distrito ng Occidental Mindoro.

Matagal nang magkasama sa adhikain sina Mayor Atty. Almero at Board Member Atty. Espejo. Mula sa kanilang kabataan, iisa ang kanilang hangarin: ang makapagbigay ng serbisyo publiko. Epektibo nila itong nagawa sa iba’t ibang kapasidad bilang mga kawani ng gobyerno sa magkakaibang ahensya bago pa man sila tuluyang pumasok sa larangan ng pulitika.

Sa paglisan ni Mayor Almero sa Sangguniang Panlalawigan (kung saan siya rin ay nagsilbi bilang Board Member noong 2022-2025), masasabing si Board Member Atty. Espejo na ang pumalit sa kanyang naiwang puwesto.

Malaki ang inaasahang pagtutulungan ng dalawang abogado sa pagbisita ni Board Member Atty. Espejo, para sa ikauunlad ng bayan ng Mamburao at ng buong lalawigan.

#MamburaoNaman