Nitong mga nagdaang lingo, naging usapin ang inilabas na Executive Order No. 39 na nagtatakda ng presyon ng bigas sa P45 at P41. At unang ‘umaray’ dito ay ang mga rice retailers.
Kaugnay nito, sumaklolo ang DSWD sa pamamagitan ng pagbibigay ng cash assistance.
Sa bayan ng Mamburao, bumaba ang DSWD Provincial at Regional Office upang tingan at i-validate kung sino ang maaring bigyan ayon sa kanilang ‘criteria’.
Sa araw na ito ay tinanggap ng beneficiaries ang cash assistance mula sa gobyerno bilang pambili ng bigas na kanilang ibebenta sa halagang P45 at P41.
At bilang patunay po na nakarating sa mga beneficiaries ang assistance, nakasama po natin sa aktibidad na ito sina DWD – SLP Regional Training Officer Francis R. Porlay, SLP Provincial Coordinator Albert Wyndell M. Tulaylay, NC Coordinator (Paluan) Mark Jovet Ehurango, NC Coordinator (Mamburao) Samuel Mendoza, MSWDO Maruja Porras, SWO II Len Nieva, SLP Project Development Officer Claire Carvajal, at iba pa.