Buhos ng semento sa 2nd lane ng LGU Compound entrance road

January 25, 2022 | Binubuhusan na ng semento ang 2nd lane ng entrance road sa Mamburao LGU Compound ngayong umaga.

Ang proyekto ay nagkakahalaga ng P3.475 million at isinasagawa ng contractor na D.M. Almero Enterprise.

May titulong ‘Construction And Rehabilitation Of Municipal Compound Road’, inaasahan na matatapos ito sa loob ng 81 Calendar Days o sa March 27, 2022 matapos masimulan noong January 6, 2022.

Samantala, una nang nabuhusan ang isang lane noong January 21, 2022.

File photo. Mayor Lyn Tria habang ini-inspect ang pagsisimula ng paggawa ng circumferential road sa Mamburao Compound noon gJanuary 21, 2022.