Kasabay ng selebrasyon ng Philippine Environment Month at Philippine Arbor Day ay aktibong nakiisa ang mga kawani ng MDRRMO-Mamburao sa paglulunsad ng Lokal na Pamahalaan ng Mamburao sa pagsasagawa ng pagtatanim ng mga bakawan sa Barangay Tayamaan, Bayan ng Mamburao.
Ang Philippine Arbor Day ay isang pambansang pagdiriwang sa Pilipinas na nakatuon sa pagtatanim at pangangalaga ng mga puno. Ipinagdiriwang ito taun-taon tuwing ika-25 ng Hunyo, binibigyang-diin ng kaganapan ang kahalagahan ng reforestation, pangangalaga sa kagubatan, at pangangalaga sa kapaligiran.
Maligayang pagdiriwang ng buwan ng kapaligiran