Patuloy ang masigasig na pagsusumikap ng Incident Management Team (African Swine Fever) sa bayan ng Mamburao upang makontrol at pigilan ang pagkalat ng sakit na African Swine Fever.

Ang inyong kooperasyon at pakikiisa ay mahalaga upang matagumpay nating malabanan ang African Swine Fever. Sama-sama tayong magtulungan para sa kapakanan ng ating industriya ng pag-aalaga ng baboy.