Ang programang “RHU CARES” ay muling nakapagbigay ng libreng serbisyong medikal tulad ng konsulta, gamot, Malaria RDT at iba pa sa ating mga kapatid na katutubo sa Sitio Kahel, Barangay Tayamaan.

Layuning nating mapangalagaan ang kalusugan at maging abot kamay ang mga libreng serbisyo medikal sa mga GIDA at mga pamayanan ng katutubo sa Bayan ng Mamburao.

Samantala, bukas ang consultation sa Municipal Health Office tuwing araw ng Lunes, Miyerkules at Biyernes. Para sa iba pang katanungan ay makipag ugnayan lamang sa ating mga Health Worker o sumangguni sa opisinang ito.

Pinapaabot namin ang pasasalamat sa pamunuan ng DEPED at mga huwarang guro ng Tuguilan Elementary SChool para sa venue ng ating medical mission gayundin sa pamunuan ng Barangay Tayamaan sa patuloy na pagsuporta sa gawaing pangkalusugan ng aming opisina.