September 4, 2024
Ang Progestin Subdermal IMPLANT (PSI) ay isang uri ng Long Acting Family Planning method
Gaano Kabisa?
- 99.9% epektibo sa pag- iwas sa pagbubuntis
- Hanggang 3 taon ang bisa
Sino ang maaaring gumamit?
- Sino mang gustong mag-agwat ng pagbubuntis sa loob ng 3 taon.
- Ito ay angkop sa kababaihan na may edad 15-49 taon.
Mga kabutihan
- Epektibo sa loob ng 24 oras matapos ilagay sa ilalim ng braso
- Epektibo sa pag-agwat ng pagbubuntis sa loob ng 3 taon
- Hindi nakakaapekto sa pagpapasuso ng sanggol
- Hindi na kakailanganing magpacheck up nang madalas para lang malaman kung nasa lugar o epektibo pa ito
- Hindi humahadlang sa pakikipagtalik
- Walang kailangang inumin araw- araw
- Pagkatanggal ng implant bumabalik ang kakayahang magbuntis ng isang babae
Mga limitasyon at dapat tandaan
- Mga nagsanay na health professionals lamang ang maaaring maglagay at magtanggal nito
- Maaring maapektuhan ang bisa kung umiinom ng iba pang gamot tulad ng panlaban sa kombulsyon o gamot sa TB (Tuberculosis)
- Hindi proteksyon laban sa Sexually Transmitted Infections (STI) at HIV/AIDS
Posibleng Side Effects
Ang mga side effects ay BANAYAD at PANSAMANTALA lamang:
– Pagbabago- bago ng pagregla
– Pagsakit ng ulo
– Pagkahilo
PAALALA:
Sa mga nagnanais magpakabit ng Implant (Progestin Subdermal Implant) ay magtungo lamang sa mga BHW, MIDWIFE at NURSE sa Barangay Health Station sa inyong lugar para sa schedule ng pagpapalagay ng inyong implant.