Ang Pamahalaang Lokal ng Mamburao sa pamamagitan ni Hon. Angelina F. Tria ay ipinababatid sa lahat na ang ating bayan ay nagpositibo na sa sakit na African Swine Fever (ASF). Ayon ito sa kalalabas pa lamang na resulta ng laboratory test sa mga dugo ng baboy na kinolekta sa anim(6) na barangay na kinabibilangan ng Talabaan (Sitio Oyas, Olango, Balisong, Proper, Baranguit), Fatima (Sitio Maculbo),Balansay (Sitio Suntay, 38, Banilad, Lagundian), Payompon ( Sitio Dapi, Sinambalan), Tayamaan ( Sitio Farm 2, Lugay) at Tangkalan ( Sitio Dapdap, Burol, Biguhan, Proper). Ang ginawang hakbang ay bunsod ng sunud-sunod na pagkaagas ng mga inahing baboy at biglaang pagkakasakit at pagkamatay ng mga patabaing baboy sa mga naturang barangay.
Kaugnay nito, agad ipinag-utos ni Mayor Lynn Tria sa mga sangkot na barangay ang pagbabawal na ilabas para ipagbili at katayin ang mga baboy na sakop ng 500 meter radius mula sa mga nagpositibong babuyan. Gayundin naman, ipinag-utos niya ang agarang paglalatag ng mga alituntunin upang matulungan ang mga naapektuhang magbababoy.
Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang Municipal Veterinary Office sa Provincial Veterinary Office para sa mga susunod na hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng salot na ito sa iba pang panig ng Mamburao at mga kalapit na bayan ng Paluan at Abra de Ilog.
Hinihiling po sa lahat na sumunod sa mga ipinatutupad na alituntunin ng barangay tungkol dito. Makipag-ugnayan sa aming tanggapan sa ASF Hotline No. 0953 754 2999 para sa tama at tunay na mga impormasyon.
Salamat po.
GABAY SA MGA MAG-AALAGA AT MAMIMILI NG BABOY SA BAYAN NG MAMBURAO
Narito po ang mga Barangay at Sitio na PINAPAYAGAN PA na MAGBENTA at BILIHAN ng kataying baboy para sa palengke ng Mamburao:
Barangay Fatima: Lahat ng sitio maliban sa Maculbo
Barangay Balansay: Sitio Pulong Bagto, Budburan, Sawmill at Proper
Barangay Payompon: Sitio Maasim, Boning, LA, Sabungan
Barangay Tayamaan: Sitio Dungon, Quebrada, Nangol, Proper, Tuguilan, Aroma, Farm 1, Farm 3
Barangay San Luis: Lahat ng sitio MALIBAN sa Barayao at Taguan
Barangay Tangkalan: Parte ng Gumaer.
• Pinapaalala lamang na kapag may na-monitor ang aming tanggapan na pagkakasakit ng baboy sa mga nabanggit na sitio ay agad namin itong ipapasara.
• Pinapayuhan ang mga mamimili na dumaan sa Barangay bago pumasok sa mga babuyan. Siguraduhin din na regular na nadi-disinfect ang bangkulong na ginagamit.
• Mahigpit pa rin na ipinagbabawal ang pagkakatay ng baboy sa labas ng slaughterhouse at pagbebenta ng karne nito sa publiko.
• Ipinagbabawal din ang pagpapakain ng sagmaw o kaning baboy sa mga alaga lalo na iyong kinolekta sa mga carinderia, restaurant at hotel.
Salamat po.