Sa bisa ng Department Personnel Order No. 012.2025 at sa rekomendasyon ng Bureau of Local Government Finance (BLGF), kasabay ng kahilingan ni Mayor Angelina F. Tria, itinalaga si Ms. Theresa Ria C. Celestial, kasalukuyang Local Revenue Collection Officer III mula sa Provincial Treasury Office ng Occidental Mindoro, bilang Acting Municipal Treasurer ng Bayan ng Mamburao.
Epektibo ang kanyang appointment sa loob ng isang taon o hanggang sa maitalaga ang regular na Municipal Treasurer.
Sa ilallim na kanyang pangangasiwa, inaasahang lalo pang mapapalakas ang sistema ng pananalapi ng bayan at upang matiyak ang transparency at episyenteng pamamahala sa pondo ng lokal na pamahalaan.