Nagtungo ang Nurse, Midwife at mga BHWs ng Barangay Talabaan sa Sitio Talapa, upang magbigay ng buwanang serbisyo kagaya ng mga sumusunod:

✅Pagbabakuna sa mga bata edad isang (1) taon pababa.

✅Pagsusuri ng buntis, pagbibigay ng bitamina at tetanus toxoid.

✅Pagsusukat ng Timbang (OPT) at MUAC

✅Pagbibigay ng RUTF sa mga batang kulang sa timbang

✅Pagbisita sa bahay-bahay at mga nanganak. (Household/Postpartum visit)

Pasasalamat ang aming pinaaabot sa kay Barangay Captain Alberto R. Cortuna, sa pagsuporta at pag tulong sa transportasyon ng ating mga healthcare workers.