MARCH 10, 2023 I YOU MADE US PROUD !

Isang pagpupugay ang salubong ni Mayor Lyn Tria sa inuwing Karangalan ni GARTH GAERLAN na naguwi ng 1 gold at 2 silver na medalya mula sa nagdaang Men Junior Cycling at Men Light MTV Cup na ginanap sa Phichit Province, Thailand.

Ayun kay Gaerlan, Nasungkit niya ang unang Silver na medalya noong March 1, 2023 unang araw ng paligsahan sa Thailand sa larangan ng Men Junior Cycling.

Samantalang day 4 naman ng paligsahan ng nakuha niya ang Gintong medalya sa Mens Junior Cup Cycling at isa pang silver noong huling araw sa Mens Light MTV Cup Championship.

Buong puso nyang ipinagmalaki hindi lamang ang Bayan ng Mamburao bagkus maging ang buong lalawigan at buong bansa.

MABUHAY KA ATLETANG MAMBURENIO