Ang nasabing programa ay magkatuwang na binuo ng PA 76IB, IPMR, at Balanan Mangyan Youth Organization.

Nakasama po natin dito sina 76IB 2ID PA Commanding Officer LTC William Romero INF (GSC) PA, Balanan Mangyan Youth Organization President and Co-Founder Ms. Ma. Isabel P. Mamildang at ang kanilang Adviser na si Ms. Melanie M. Sadiasa, Bn Adjutant and S1 Officer, 76IB 2ID 2LT Gessavel V. Hoylar (AGS) PA, at Assistant CMO Officer 1LT Vian Leslie P. Diaz (FS) PA.

Naroon din at nagbigay ng kanilang mensahe sina Mamburao Municipal IPMR Renato S. Aloy, at Occidental Mindoro Provincial IPMR Ruben Aldava.

Pangunahing layunin ng gawaing ito ay maging katuwang ng ating komunidad at gobyerno ang mga Kabataang Mangyan at maging instrumento sa pagkakaroon ng kaunlaran at kapayapaan sa lalawigan ng Occidental Mindoro.