Opisyal na po nating pinasinayaan ang bagong Multipurpose Builiding sa loob ng compound ng ating Municpal LGU.

Katuparan po ito ng ating pangako sa mamamayan para sa mas mabilis na serbisyo. Sa dalawang palapag na gusaling ito ang magiging tahanan ng mga national government agencies na kasalukuyang nasa ating compound tulad ng Post Office, DTI, COMELE, BIR, at DILG. Magkakaroon din po ng opisina dito ang Commission on Audit (COA), ganun din ang ating Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO).

Samahan nyo po ako na mapasalamatan ang ating Cong. Odie Tarriela na nagkaloob ng pondo, katuwang ang ating LGU, para maisakatuparan ang proyektong ito.

Nalalapit man ang pagtatapos ng aking termino, pero magpapatuloy pa rin tayo sa paglilingkod sa Mamburao. Patuloy tayong maghahanap ng pondo para sa iba pang mga proyekto na nais nating maisaktuparan. May panahon pa. At hindi pa po ako sumusuko sa trabaho para sa maasahang serbisyo ng kapwa natin Mambureño!

– Mayor Lyn Tria