Muli po ay may dumating na food relief assistance mula sa DSWD na ating ipinamahagi sa mga residente ng So. Forestry, Brgy. Payompon.
Alam naman po natin na nalubog po sa baha ang nasabing lugar. Maraming salamat sa pamunuan ng Brgy. Payompon dahil nag-sumite sila ng listahan ng mga labis na naapektuhang residente. Bilang inyong Punong Bayan, kasama ang ating Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pangunguna ni Ms. Maruja Porras, isinumite naman po natin sa DSWD ang listahang ito. Sa patuloy na koordinasyon ng MSWDO, eto po at may dumating nang tulong para sa kanila.
Sana all. Ika nga. Pero hindi naman po natin siguro hahangadin na malubog sa baha para makatanggap ng ganitong ayuda. Mas maganda po siguro na magpasalamat po tayo na ligtas ang ating pamilya sa kabila ng mga dumaang kalamidad.
Paalala ko rin po sa lahat, kung may cellphone po tayo, tayo na po ang kumuha ng picture ng ating sitwasyon at i-submit po natin sa ating barangay. Kailangan po natin ang mga dokumento para mai-submit din sa DSWD, na kanilang magiging basehan sa pagbibigay ng tulong. Maging bahagi at makiisa din po tayo sa proseso.