Ang Pamahalaang Bayan ng Mamburao ay naglabas ng Cease and Desist Order laban sa P.E.R.R.C. Construction And Development Corporation matapos makatanggap ng mga reklamo mula sa mga residente ng Barangay Talabaan.

Bagamat legal ang kanilang operasyon, maraming residente ang naghayag ng kanilang pagtutol dahil sa matinding ingay na dulot ng dredging activities. Ang labis na ingay na lampas sa katanggap-tanggap na antas ay nagdulot ng matinding abala sa kanilang pang-araw-araw na gawain at kabuhayan.

Dahil dito, ipinag-utos ng Municipal Mayor ang agarang pagpapahinto ng operasyon ng naturang kumpanya at ang pansamantalang pagkansela ng kanilang business permit habang isinasagawa ang imbestigasyon at compliance review