August 1, 2024
Ang tanggapan ng Mamburao-Municipal Health Office sa pangunguna ng ating mga LGU & DOH midwives at nurses ay nagsasagawa ng Regular Epi Pre natal at Oral Polio Vaccine (OPV) Catch-up Immunization sa mga chikiting na may edad 13-59 na buwan sa Sitio GCFI Barangay Tayamaan.
Layunin ng programa na ito na mapataas ang bilang ng mga batang bakunado laban sa vaccine-preventable diseases at masiguradong protektado ang buong komunidad laban sa banta ng Polio Outbreak.
Kasabay ng pagbibigay ng bakuna ay patuloy ang kampanya at pagbibigay ng tamang impormasyon laban sa vaccine-preventable diseases tulad ng Polio.
Para sa mga magulang/tagapag-alaga ng mga batang may edad 13-59 na Buwan, makipag-ugnayan sa inyong mga BHWs, Midwife at Nurse para sa schedule ng bakuna.
Sama-sama tayo sa gawaing kalusugan para sa isang Healthy Mambureño