Nagsagawa ng Operation Timbang (OPT) ang Nurse at Midwife katuwang ang Barangay Nutrition Scholar (BNS), Barangay Health Workers ( BHWs) at Kagawad on Health ng Barangay Talabaan sa Sitio Talapa.
Ang Operation Timbang ay ang taunang pagsusukat at pagsusuri ng anthropometric measurement ng lahat ng mga batang edad 0 hanggang 59 buwang gulang sa isang Barangay. Ito ay ginagawa tuwing unang tatlong buwan ng taon (Enero hanggang Marso)
Makakatulong ito upang masuri ang kanilang nutritional status at mahanap kung sino at nasaan ang malnourished na bata.