4Ps GRADUATION

Magkahalong lungkot at saya ang pumuno sa araw ng pagtatapos ng 88 nating miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa bayan ng Mamburao.

Malungkot, dahil natapos na ang simbolikong pagsuporta sa kanila ng gobyerno. Masaya, dahil natulungan sila na makapag-aral ang mga anak at may bagong pamilya na magiging benepisaryo ng programa.

Ako man po, bilang inyong Punong Bayan, ay ganito ang naramdaman. Pero sabi nga po nila, anumang pagtatapos ay isang bagong oportunidad upang muli ay makapag-simula.

Ganun pa man, sa aming pag-uusap ng DSWD, MSWD, at SLP, patuloy po kami na maghahanap ng oportunidad upang ang mga nagsipagtapos ay matulungan pa rin ng ating pamahalaan. Nakita at napatunayan na po ito ng DSWD, dahilan upang maging nominado tayo at magwagi sa Regional Level kung saan binigyang pagkilala ng ahensya ang ating programa na patuloy na pagsuport sa mga nagsipagtapos ng 4Ps.

Medyo mahirap itong isakatuparan sa kasalukuyan dahil sa ilang mga suiranin na kinakaharap ng ating pamahalaang bayan. Pero makasisiguro po kayo na bibigyang atensyon po natin ito.

Muli, congratulations po sa mga nagsipagtapos! At congratulations din sa magiging bagong miyembro ng 4Ps sa bayan ng Mamburao, Occidental Mindoro!- #MayorLynTria