3rd Quarter

NATIONWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL at Payompon Elementary School

Sa atas ng ating butihing Mayor Angelina F. Tria ay nakiisa ang bayan ng mamburao sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Mamburao katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan mula sa BFP, PNP, AFP, DepEd at opisyales ng Barangay. Kung saan ang paaralan ng Payompon Elementary School ay ang napiling kalahok sa nasabing pagsasanay. Pangunahing layunin ng mga gawaing ito ay mapalawak pa ang kaalaman at kahandaan ng ating mamamayan sa anumang uri ng kalamidad at sakuna, partikular na ang isang malakas na pag lindol.

Original Post: https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=pfbid02tmBhxPzjpU52TTRydUsojhZ84NxcoY2myB2ivteZ2AWboN37mQqhoXSpkZaQqCkAl&id=100064506733090