Sa atas ng ating butihing Mayor Angelina F. Tria ay nakiisa ang bayan ng Mamburao sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) katuwang ang ibat-ibang ahensya ng pamahalaan mula sa BFP, PNP, AFP, DepEd at opisyales ng barangay.

Kung saan ang ating mga kababayang katutubo ng Sitio Karyandangan ng Brgy. Tangkalan ang ating napiling kalahok sa nasabing pagsasanay. Pangunahing layunin ng mga gawaing ito ay mapalawak pa ang kaalaman at kahandaan ng ating mamamayan sa anumang uri ng kalamidad at sakuna, partikular na ang isang malakas na paglindol.

“Empowering Communities, Saving Lives”

#NSED

#ResiliencePH

#BidaAngHanda

#MDRRMOMamburaoInAction