Sa pagpapatuloy ng ating adhikain na mapabuti ang kalagayan ng ating pampublikong palengke, kaninang hapon ay nakipag-usap po tayo sa mga vendors na nasa paligid ng palengke. Katulad ng naging bukas na talakayan natin sa mga may stall sa loob, sinikap din po nating pakinggan at unawain ang sitwasyon ng ating mga kapatid na nagtitinda sa labas—ang kanilang mga pangangailangan, pangamba, at mga mungkahi.
Bilang inyong lingkod, nais ko pong ipabatid na malalim ang aking malasakit sa kabuhayan ng bawat isa. Nauunawaan ko ang hirap ng araw-araw na pagtitinda, lalo na sa gitna ng mga pagbabago at regulasyon. Kaya’t sa bawat hakbang na ating tinatahak, sinisikap kong suriin ang lahat ng anggulo—mula sa aspeto ng kabuhayan, kaayusan, kalinisan, at batas—upang makabuo tayo ng desisyong makatarungan at makatao.
Sa kasalukuyan, may umiiral tayong Market Code na kailangang igalang at ipatupad. Ngunit bago tayo magpatupad ng anumang bagong regulasyon o ordinansa, mahalagang mapag-usapan muna ito nang masinsinan sa Sangguniang Bayan. Hindi po tayo nagmamadali sa pagdedesisyon; bagkus, mas pinipili nating maging maingat, makinig, at magtulungan.
Ang hiling ko po sa lahat ay panatilihin ang mahinahon at bukas na komunikasyon. Sa bawat usapin, hangad ko pong makahanap tayo ng pagkakasunduan—isang common ground na magbibigay-daan sa mas maayos, mas ligtas, at mas makatarungang palengke para sa lahat.
Sa dulo ng lahat, tayo-tayo rin po ang magtutulungan at magdadamayan. Ang palengke ay hindi lamang lugar ng kalakalan, kundi tahanan ng ating sama-samang pagsisikap. Pagtulung tulongan natin ito.
—-




