Layunin po natin mapabilis ang pagpapatakbo at paggamit ng Health Center sa lalong madaling panahon. Naka-sentro ang ating atensyon sa pagpapabuti ng mga pasilidad at sistema ng paghahatid ng serbisyong medikal sa ating bayan, dahil naniniwala tayong hindi dapat maantala ang pangangailangang pangkalusugan ng mamamayan.
Kaugnay nito, isinagawa natin ang inspeksyon sa itinatayong Health Center Building kasama sina Municipal Health Officer Dr. Paul Mark Rasing, mga kinatawan mula sa DPWH – Mindoro Occidental District Engineering Office (MODEO), Acting Municipal Engineer Ryan Tamolang at Acting Municipal Administrator Boy Maneja.
Isinagawa natin ang inspeksyon bilang bahagi ng paghahanda para sa pagsisimula ng Phase 4 ng konstruksyon. Mahalaga ang hakbang na ito upang masuri ang mga natapos nang bahagi ng gusali at matukoy ang mga teknikal na detalye na kailangang pagtuunan ng pansin. Sa nasabing pagbisita, tinalakay natin ang mga obserbasyon sa istruktura kina Engr. Louis Miguel Retirva, Engr. Allysa Obrador, Arch. Allana Louise Dalangin, at Arch. Mark Lester Villaluna mula sa Planning and Design Section ng DPWH-MODEO, pati na rin sa ating Municipal Engineering Office.
Bagamaโt nasa yugto pa lamang ng pagpaplano ang Phase 4, mariin na nating hiniling ang agaran at mabilisang konstruksyon ng gusaliโlalo na ang unang at ikalawang palapagโupang masimulan na ang aktwal na pagbibigay ng serbisyong medikal sa ating mga kababayan.
Samantala, lubos ang ating pasasalamat sa Department of Health (DOH) sa pagkakaloob ng Super Health Center para sa bayan ng Mamburao. Isa itong mahalagang hakbang tungo sa mas mabilis, mas episyente, at mas inklusibong serbisyong pangkalusugan para sa lahat. ![]()
![]()
โ-








