Sa pangunguna ng Municipal Agriculture Office (MAO), katuwang sina Congressman Odie F. Tariela at Mayor Angelina F. Tria, ipinamigay ang Intervention Monitoring Card (IMC) na naglalaman ng ₱7,000 na ayuda, na maaaring ipalit sa cash. Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa mga magsasaka upang mapabuti ang ani, mabawasan ang gastos sa produksyon, at isulong ang sustainable farming sa ating bayan.