NEWS STORY
Isang batang babae mula sa bayan ng Mamburao, Occidental Mindoro ang gumagawa ng pangalan sa larangan ng chess. Si Zein Akee Fordan, anim na taong gulang, ay nagpakitang-gilas sa ibaโt ibang paligsahan sa murang edad.
Sa Tomasino U-18 Chess Event na ginanap sa Santo Tomas, Batangas, nakaharap ni Zein Akee ang mga mas nakatatandang manlalaro, kabilang ang isang 32-anyos na chess player. Sa kabila ng malaking agwat sa edad, nakapagtala siya ng 6 out of 7 points at kinilala bilang Youngest Participant ng torneo.
Bukod dito, aktibo rin si Zein Akee sa iba pang kompetisyon:
– Panalo sa school intramurals
– Kampeon sa district meet
– Nakapuwesto sa ika-7 lugar sa provincial meet
Siya din ang tinanghal na Champion sa nagdaang Chess Tournament SA bayan ng Mamburao, Occidental Mindoro sa Elementary Category.





