MAMBURAO, Occidental Mindoro โ€” Sa pamamagitan ng Resolution No. 531, Series of 2025, ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan ng Occidental Mindoro ang opisyal na pagkilala kay Mx. Bryan โ€˜Diosaโ€™ Cortuna, na kamakailan ay itinanghal bilang Reyna ng Occidental Mindoro 2025 sa ika-75 Arawatan Festival. Ang resolusyon ay inakda ni Board Member Hon. Alex R. Del Valle at co-authored ni Hon. Jose Franco C. Mendiola, January 27.

Si Kag. Cortuna, isang trans mother, public servant, at babaeng may layunin, ay kinilala hindi lamang sa kanyang tagumpay sa patimpalak kundi sa kanyang patuloy na kontribusyon sa serbisyo publiko. Nagsilbi siya sa ibaโ€™t ibang tanggapan ng pamahalaan kabilang ang Vice Governorโ€™s Office at Public Employment Service Office (PESO), bago mahalal bilang Barangay Kagawad ng Talabaan, Mamburao. Sa lahat ng tungkulin, ipinakita niya ang integridad, at kahusayan sa paglilingkod.

Bilang isang advocate ng trans mothers, itinataguyod ni Kag. Cortuna ang adbokasiyang โ€œTranscending Boundaries, Empowering Trans Mothersโ€ na nakaugat sa pagkakapantay-pantay, representasyon, at respeto. Paalala niya sa lipunan na ang pamumuno ay hindi nasusukat sa kasarian kundi sa puso, serbisyo, at pagiging totoo sa sarili.

Ang pagkilala kay Kag. Cortuna ay higit pa sa korona ng Reyna ng Occidental Mindoro. Isa itong patunay na ang bayan ng Mamburao ay may anak na hindi lamang nagdadala ng karangalan sa entablado kundi sa mismong pamayanan. Sa kanyang mga tungkulin bilang lingkod-bayan, ipinakita niya na ang tunay na pamumuno ay nakaugat sa malasakit at dedikasyon.

Lubos ang pagbati ng Pamahalaang Bayan ng Mamburao, sa pangunguna nina Mayor Atty. E-K Almero, Vice Mayor Raul “Boy” Masangkay, at Sangguniang Bayan, sa tagumpay ni Cortuna. Siya ay halimbawa ng responsableng mamamayan at inspirasyon sa komunidad, na nagbibigay ng pag-asa at lakas sa mga kapwa trans mothers at sa lahat ng Mindoreรฑo.

#ReynaNgOccidentalMindoro #DiosaCortuna #TalabaanNaman #MamburaoNaman #BayangMaipagmamalaki