Sitio Sawmill, Brgy. Balansay — Opisyal nang ipinakilala noong Setyembre 28 ang mga kandidata para sa Binibining Sawmill 2025 at Icons of Mary 2025 sa isang programang isinagawa bilang bahagi ng paghahanda para sa kapistahan ni San Martin de Porres, patron ng Sitio Sawmill.
Pinangunahan ang programa ng mga opisyal ng Festijos para sa St. Martin de Porres Feast 2025. Kabilang sa mga opisyal sina:
President: John Reynold Macatangay
Vice President: Marx Linga
Secretary: Melody Ante
Asst. Secretary: Roselyn Ogaña
Treasurer- Marieta Tatoy
Asst. Treasurer: Gina Sarabia
Auditor: Thelma Dimaano
Asst. auditor: Jennica Romuar
Project manager: Sheryl Bolante
Asst. Project manager: Rosenda Linga
Nagbigay ng mensahe ng suporta sina Kapitan Rondel Pedraza at Kagawad Benjie Watiwat bilang kinatawan ng Pamahalaang Barangay. Dumalo rin si Konsehal Mel Ramirez mula sa Sangguniang Bayan upang ipahayag ang kanyang suporta sa mga programang pangsimbahan sa barangay.
Bagamat hindi nakadalo, ipinadala ni Mayor Atty. E-K Almero ang kanyang social media team upang i-cover ang naturang aktibidad. Aniya, dapat din na maipakilala sa lahat ang mga aktibidades ng barangay upang higit din na makilala ang bayan ng Mamburao.
Ang Binibining Sawmill at Icons of Mary ay isang patimpalak na bahagi ng kapistahan na layong itampok ang kagandahan, talento, at pananampalataya ng komunidad.
#SitioSawmill#BrgyBalansay#StMartingDePorres#BarangayNaman#MamburaoNaman#BayangMaipagmamalaki







