Mamburao, Occidental Mindoro โIpinakita ng bayan ng Mamburao ang kanyang presensya sa Agri-Tourism Trade Fair, November 14, sa pamamagitan ng pag-uwi ng limang Pinaka Awards: pinakamahabang sitaw, pinakamabigat na kalabasa, pinakamabigat na alimango, pinakamabigat na cassava, at pinakamabigat na watermelon.
Bukod sa mga natamong gantimpala, tampok ang booth ng Mamburao na may temang โMay Bulao,โ na nagmula sa lumang salitang tumutukoy sa โginto.โ Nasa ikalawang palapag ang replika ng isang Galleon bilang pag-alala sa panahon ng mga sinaunang mangangalakal na dumayo sa bayan dahil sa balitang may โbulaoโ o ginto sa lugar. Dinisenyo ito ni Butch Lambit, nagtulong-tulong naman ang Municipal Tourism Office, Municipal Agriculture Office, at PESO sa pagpapakita ng mga produktong lokalโhandicrafts, food items, at sari-saring prutas at gulay mula sa mga negosyante at magsasaka.
Kasama ni Mayor Atty. E-K Almero sa pagbubukas ng booth at pagtanggap ng mga parangal si Vice Mayor Raul Masangkay kasama sina Kon. Atty. Yanna Abeleda, Kon. Brian Bautista, Kon. Doc Wyn Esperanza, Kon. Oliver Mataro, at Kon Ricky Pantoja.
Sa nasabing programa ay pinagtibay ni Mayor Almero ang kumpiyansa sa kayang ibigay na kontribusyon ng agri-turismo sa bayan at lalawigan. โ๐๐ต ๐ฌ๐ข๐ต๐ถ๐ญ๐ข๐ฅ ๐ฑ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐๐ณ๐ฐ๐ท๐ช๐ฏ๐ค๐ช๐ข๐ญ ๐๐ฐ๐ท๐ฆ๐ณ๐ฏ๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต ๐ข๐ฅ๐ฎ๐ช๐ฏ๐ช๐ด๐ต๐ณ๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐ข๐บ ๐ฑ๐ช๐ท๐ฐ๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข ๐ณ๐ช๐ฏ ๐ฑ๐ฐ ๐ฌ๐ข๐ฎ๐ช ๐ด๐ข ๐๐ข๐ฎ๐ฃ๐ถ๐ณ๐ข๐ฐ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐จ-๐ฑ๐ณ๐ฐ๐ฎ๐ฐ๐ต๐ฆ ๐ฏ๐จ ๐ข๐จ๐ณ๐ช-๐ต๐ฐ๐ถ๐ณ๐ช๐ด๐ฎ. ๐๐ข๐ฏ๐ช๐ฏ๐ช๐ธ๐ข๐ญ๐ข ๐ฑ๐ฐ ๐ต๐ข๐บ๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐ช๐ต๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ด๐ข ๐ด๐ข ๐ฎ๐ข๐จ๐ฃ๐ช๐ฃ๐ช๐จ๐ข๐บ ๐ด๐ข ๐ข๐ต๐ช๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ-๐ถ๐ฏ๐ญ๐ข๐ฅ,โ aniya, sabay pasasalamat sa mga dumating na bumibisita sa bayan ng Mamburao.
Pinangunahan ni Governor Ed Gadiano ang pormal na pagbubukas ng trade fair at kabilang sa dumalo sina DTI Provincial Director Noel Flores, DAโHigh Value Crops Development Program (DA-HVCDP) Director Joseph Manicad, NFA Occidental Mindoro Branch Manager Harold Cuartero, Sangguniang Panlalawigan Committee on Agriculture Chairman Peter Alfaro, Cong. Odie Tarriela, kasama rin si Provincial Administrator Muriel Reguinding at iba pang opisyal.
#GalleonBooth#PinakaAwards#AgriTourismTradeFair#MamburaoNaman#BayangMaipagmamalaki







