Mamburao, Occidental Mindoro — Bagama’t araw ng Sabado, hindi nag-atubiling bumisita si Mayor Atty. E-K Almero sa Slaughterhouse ng bayan upang inspeksyunin ang kalagayan nito matapos ang mga reklamong natanggap ukol sa sirang ilaw, hindi gumaganang palikuran, at iba pang kakulangan sa pasilidad, August 23.
Ayon kay Mayor Almero, “𝘈𝘯𝘨 𝘴𝘭𝘢𝘶𝘨𝘩𝘵𝘦𝘳𝘩𝘰𝘶𝘴𝘦 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘩𝘢𝘨𝘪 𝘯𝘨 𝘭𝘰𝘬𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘦𝘬𝘰𝘯𝘰𝘮𝘪𝘺𝘢. 𝘋𝘪𝘵𝘰 𝘥𝘶𝘮𝘢𝘥𝘢𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘳𝘰𝘥𝘶𝘬𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘳𝘯𝘦 𝘣𝘢𝘨𝘰 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘳𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘮𝘦𝘳𝘬𝘢𝘥𝘰, 𝘬𝘢𝘺𝘢’𝘵 𝘥𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘪𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘨𝘵𝘢𝘴, 𝘮𝘢𝘭𝘪𝘯𝘪𝘴, 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘢𝘺𝘰𝘴 𝘢𝘯𝘨 𝘰𝘱𝘦𝘳𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯. 𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰 𝘶𝘴𝘢𝘱𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘭𝘪𝘯𝘪𝘴𝘢𝘯, 𝘬𝘶𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘣𝘢𝘣𝘢𝘣𝘰𝘺, 𝘮𝘢𝘨𝘮𝘢𝘮𝘢𝘯𝘰𝘬, 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘮𝘪𝘮𝘪𝘭𝘪.”
Sa kabila ng limitadong pondo, nananatiling positibo ang pananaw ng pamahalaang lokal. “𝘔𝘢𝘳𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘨𝘶𝘴𝘢𝘭𝘪 𝘢𝘵 𝘦𝘴𝘵𝘢𝘣𝘭𝘪𝘴𝘺𝘦𝘮𝘦𝘯𝘵𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘶𝘯𝘪𝘴𝘪𝘱𝘺𝘰 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘱𝘢𝘣𝘢𝘺𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘢𝘵 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢𝘣𝘪𝘨𝘺𝘢𝘯 𝘱𝘢𝘯𝘴𝘪𝘯. 𝘜𝘵𝘢𝘺-𝘶𝘵𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘴𝘢𝘢𝘺𝘰𝘴 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘢𝘴𝘪𝘭𝘪𝘥𝘢𝘥 𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘺𝘢𝘯. 𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘮𝘢𝘯 𝘴𝘢𝘣𝘢𝘺-𝘴𝘢𝘣𝘢𝘺, 𝘴𝘪𝘴𝘪𝘨𝘶𝘳𝘢𝘥𝘶𝘩𝘪𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘪𝘪𝘸𝘢𝘯,” paliwanag pa ni Mayor Almero.
Bago ang pagbisita sa slaughterhouse ay nagtungo na siya sa Brgy. Balansay upang bisitahin ang nauna nang tinugunan na pangamba ng mga residente sa paglapit ng ilog sa Pola Elementary School dahil sa baha, ganun din ang matagal nang sirang box culvert patungo ng Sitio Suntay at Forbes. Sa Tayum Tayuman, Tayamaan, nakita rin ang hirap ng daan at nakatakdang patambakan sa lalong madaling panahon.
“𝘋𝘦𝘭𝘪𝘬𝘢𝘥𝘰 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘳𝘦𝘴𝘪𝘥𝘦𝘯𝘵𝘦 𝘪𝘵𝘰,” ani Mayor, “𝘢𝘵 𝘩𝘢𝘩𝘢𝘯𝘢𝘱𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘱𝘰𝘯𝘥𝘰 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘢𝘺𝘰𝘴 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘭𝘶𝘺𝘢𝘯.”






