MAMBURAO, OCCIDENTAL MINDORO – Sa gitna ng abala sa paglilingkod sa bayan, napatunayan ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Mamburao na mahalaga ring alagaan ang kalusugan. Bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng ika-125 Philippine Civil Service Anniversary, idinaos ang isang makulay at masiglang Zumba Competition para sa mga empleyado, September 15.
Layunin nito na palakasin ang pisikal at mental na kalusugan ng mga lingkod bayan. Kilala ang zumba bilang isang aerobic exercise na nakatutulong sa pagbaba ng stress, pagpapalakas ng puso, at pagpapabuti ng metabolismoโmga benepisyo na mahalaga sa mga indibidwal na araw-araw na nakatuon sa serbisyo. Naniniwala ang LGU Mamburao na ang isang malusog na kawani ay susi sa mahusay na serbisyo publiko.
Nakisaya at nagtagisan ng galing ang apat na koponanโang Yellow, Green, Blue, at Red Teamโ na binubuo ng mga empleyado mula sa iba’t ibang opisina ng LGU. Sa huli, itinanghal na kampeon ang Green Team matapos nilang ipakita ang kanilang mataas na enerhiya, disiplina, at kahanga-hangang samahan.
Narito ang iba pang nanalo:
โข 1st Runner-Up: Yellow Team
โข 2nd Runner-Up: Red Team
โข 3rd Runner-Up: Blue Team
Pinangunahan ng mga opisyal mula sa Civil Service Commission ang pagdalo sa patimpalak. Naroon sina Director II Atty. Angelina V. Faral at Senior Human Resources Specialist John Homer M. Alim ng Civil Service Commission Field OfficeโOccidental Mindoro upang saksihan ang kumpetisyon.
Kasama rin sa mga dumalo at nagpakita ng suporta ang mga lokal na opisyal, sa pangunguna ni Mayor Atty. Glicerio “E-K” Almero III. Dumalo rin sina Acting Municipal Administrator Boy Maneja, at LYDO & PESO Focal Person Jenny Villar-Esperanza. Nagpakita rin ng suporta ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Kon. Eboy Villaflores, Kon. Mel Ramirez, Kon. Oliver Mataro, at Kon. Les Calabio.
Nagpaabot din ang pamunuan ng Mamburao LGU sa mga kilalang personalidad na nagsilbing hurado sa Zumba Competition at Mr. & Ms. LGUlympics na sina:
โข Dr. Agnes N. Castro, PhD
โข Hon. Nikko Angelo S. Tajonera
โข Mr. Dennis B. Anoba
Sa tagumpay ng kaganapang ito, inaasahan na mas malaki at mas masaya pa ang selebrasyon ng Civil Service Month sa mga susunod na taon sa bayan ng Mamburao.
#ZumbaNaman#MamburaoNaman#BayangMaipagmamalaki







