MAMBURAO, Occidental Mindoro — Mahigit 2,000 senior citizens mula sa iba’t ibang barangay ang nagsama-sama sa Christmas Party 2025 na inorganisa ng pamahalaang bayan, December 20.

Bagama’t may kanya-kanyang selebrasyon na sa bawat barangay, isinulong nina Mayor Atty. E-K Almero, Vice Mayor Raul Masangkay, at Sangguniang Bayan ang mas malaking pagtitipon upang magbigay-daan sa pagkikita at pagkakamustahan ng mga kaibigan mula sa iba’t ibang lugar.

Nagpakita rin ng pagkakaisa ang ehekutibo at lehislatibo sa aktibidad, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan tulad nina Kon. Atty. Yanna Abeleda, Kon. Eboy Villaflores, Kon. Dr. Wyn Esperanza, Kon. Les Calabio, Kon. Brian Bautista, Kon. Mel Ramirez, at iba pa.

Kasabay ng pagbati ng pamahalaan sa kalusugan ng mga senior citizens, inanunsyo rin ang magandang balita: aprubado na ang local social pension para sa mga nakatatanda sa taong 2026.

Pinangunahan ang mga senior citizens ni OSCA Head Vito Alvarez, katuwang ang lahat ng Chapter Presidents.

#SeniorsChristmasParty #SeniorsNaman #MamburaoNaman #BayangMaipagmamalaki