Bumisita sa tanggapan ni Mayor Atty. Glicerio ‘E-K’ Almero III ang Sabertooth Tiger Taekwondo Family – Mamburao Chapter, September 12, kasama ang kanilang mga magulang at coach na si Mr. William Urlanda bilang paghahanda sa 2025 SMART/MVP Sports Foundation Gloria Taekwondo Championship na gaganapin sa Setyembre 20–21 sa Gloria, Oriental Mindoro.
Nagpaabot ng tulong pinansyal at suporta si Mayor Almero sa grupo, bilang pagkilala sa aktibong partisipasyon ng kabataang Mamburao sa larangan ng sports. Ayon pa kay Mayor, layunin niyang matuklasan pa ang iba pang talento ng kabataan sa labas ng mga karaniwang ball games.
Ipinagkatiwala rin ni Mayor Almero kay dating Board Member at kasalukuyang Local Youth Development Officer Jenny Villar Esperanza ang pangangalaga at pag-aasikaso sa mga pangangailangan ng grupo.
#SportsNaman#KabataanNaman#MamburaoNaman#BayangMaipagmamalaki







