Matapos makatanggap ng ulat hinggil sa naiwang graba at buhangin sa kalsada mula sa mga dumaraang sasakyan, agad na kumilos ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at nakipag-ugnayan sa Mamburao Fire Station.
Sa pamamagitan ng Multi-Purpose Water Tanker ng ating tanggapan, at kaagapay ang mga kawani ng Mamburao Fire Station, isinagawa ang road clearing and flushing upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at maiwasan ang anumang posibleng aksidente.
Patuloy ang ating pagtutulungan para sa ligtas at maayos na daloy ng trapiko sa ating bayan.





