Mamburao, Occidental Mindoro โ Upang mas mapalawak ang kaalaman ng publiko tungkol sa mga benepisyo at programang pangkalusugan ng pamahalaan, nagsagawa ang PhilHealth Occidental Mindoro Local Health Insurance Office (LHIO) ng isang Information Forum, December 11. Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa media, information officers, social workers, at iba pang community partners na katuwang sa pagpapalaganap ng impormasyon sa lalawigan.
Pinangunahan ni Chief Social Insurance Officer Concepcion N. Mulingbayan-Arteza ang aktibidad, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng tamang impormasyon sa pagpapatibay ng tiwala ng publiko sa PhilHealth. Ayon sa kanya, mahalaga ang papel ng media at ibaโt ibang sektor upang masigurong naipararating sa bawat mamamayan ang mga serbisyong pangkalusugan na kanilang maaaring gamitin.
YAKAP Program: Pinalawak na Serbisyong Pangkalusugan
Isa sa pangunahing tinalakay sa forum ang PhilHealth Yamang Kalusugan para sa Pamilya (YAKAP) Program, ang mas pinahusay na bersyon ng Konsulta Program. Layunin nitong bigyan ang bawat Pilipino ng mas madaling access sa primary care services upang maiwasan ang malalang karamdaman.
Sa ilalim ng YAKAP, ang mga accredited clinics ay magbibigay ng:
โข Libreng konsultasyon
โข Laboratory tests at cancer screening
โข Diagnostic procedures
โข Access sa 75 PhilHealth Guaranteed Accessible Medications, kabilang ang 21 basic medications at 54 karagdagang gamot sa ilalim ng GAMOT Program
Binigyang-diin sa forum na lahat ng PhilHealth members at dependents โ mula sanggol hanggang senior citizen โ ay maaaring maging bahagi ng YAKAP Program.
Sino ang Saklaw ng YAKAP?
Maaaring mag-enroll ang mga sumusunod:
โข Government at private employees
โข Kasambahay
โข Indigents
โข Persons with Disability
โข Self-earning individuals at professionals
โข Lifetime members
โข 4Ps beneficiaries
โข Infants
โข OFWs
โข Solo parents
โข Senior citizens
โข Mga batang wala pang 21 taong gulang
Mas Malawak na Access sa Libreng Gamot Simula 2026
Inanunsyo rin ng PhilHealth na anim na accredited pharmacies sa lalawigan ang magiging katuwang sa pamamahagi ng libreng gamot simula Enero 2026. Kabilang dito ang:
โข Jomelโs Pharmacy (Mamburao)
โข Red Drug Store (Abra de Ilog)
โข MOPMGMC Pharmacy
โข MedCare Medical Supplies and Pharmacy
โข Savers Pharmacy
โข Angelokovi Pharmacy (San Jose)
Sa Occidental Mindoro, mayroon nang 20 accredited YAKAP clinics, kabilang ang 7 ospital, 3 pribadong pasilidad, at 11 rural health units.
Iba Pang Benepisyong Tinalakay
Bukod sa YAKAP, ipinaliwanag din ng PhilHealth ang iba pang benepisyo tulad ng:
โข Outpatient Emergency Care Benefits
โข Outpatient at Inpatient Benefits para sa konsultasyon, laboratoryo, professional fees, at hospitalization
โข Z Benefits para sa high-cost conditions gaya ng cancer at kidney transplant
โข Mga programang nakatuon sa preventive health at early detection
Tiniyak ng PhilHealth na patuloy nitong palalawakin ang pakikipag-ugnayan sa media at iba pang sektor upang mas mapalakas ang health advocacy sa mga komunidad ng Occidental Mindoro.
Paano Mag Register sa PhilHealth YAKAP Program
1. Siguraduhing Aktibo ang Membership
Kailangan ay may PhilHealth Identification Number (PIN). Kung wala pa, maaaring mag-apply sa:
โข PhilHealth Member Portal
โข eGovPH App
โข Anumang PhilHealth LHIO
2. Pumili ng YAKAP Clinic
Makikita ang listahan sa PhilHealth website o sa inyong lokal na health center.
3. Magpa-Enroll
Dalhin ang:
โข PhilHealth ID Number
โข Valid ID
โข Personal information
Maaaring mag-enroll sa:
โข YAKAP Clinic
โข PhilHealth Member Portal
โข eGovPH App
โข Anumang PhilHealth Office
4. Hintayin ang Kumpirmasyon
Maaaring matanggap sa pamamagitan ng text, email, o verbal confirmation.
5. Gamitin ang YAKAP Benefits
Kasama ang:
โข Konsultasyon
โข Laboratory tests
โข Diagnostic procedures
โข Libreng gamot
Libre ang enrollment at bukas sa lahat ng PhilHealth members at dependents.
Dumalo rin sa forum ang mga kinatawan mula sa 76th Infantry โVictrixโ Battalion at 68th Infantry โKaagapayโ Battalion, bilang bahagi ng mas pinalawak na pakikipag-ugnayan ng PhilHealth sa ibaโt ibang sektor upang palakasin ang health advocacy sa lalawigan.
Para sa iba pang impormasyon, maaring bisitahin ang PhilHealth website: https://www.philhealth.gov.ph/yakap/
#PhilHealthYakap #MamburaoNaman #BayangMaipagmamalaki







