Noong November 13 ay pinasinayaan ang Pasalubong Center sa bayan ng Mamburao na matatagpuan sa Brgy. Tayamaan, malapit sa Occidental Mindoro State College (OMSC), kung saan dumalo si Mayor Att. E-K Almero.
Pinangunahan ito nina Gov. Ed Gadiano, Vice Gov. Diana Tayag, Provincial Administrator Muriel Reguinding, at iba pang mga personalidad mula sa iba’t ibang sangay ng national at provincial government.
Ang Pasalubong Center ay magiging pangunahing bintana ng lalawigan ng Occidental Mindoro, tampok ang iba’t ibang produkto mula sa bawat bayan. Dito matatagpuan ang sari-saring processed foods, souvenir items, at mga natatanging handicrafts na likha ng mga lokal na komunidad at negosyante. Bukod pa rito, nakapaloob sa plano ang paglalagay ng komprehensibong Tourism Information at Tour Packages na magsisilbing gabay para sa mga turista sa pagtuklas ng mga destinasyong ipinagmamalaki ng bawat bayan.
Ayon kay Mayor Almero, malaking tulong ang Pasalubong Center dahil mayroon nang katuwang ang pamahalaang bayan upang higit pang maipakilala ang bayan ng Mamburao.
Ang inagurasyon ng Pasalubong Center ay bahagi pa rin ng selebrasyon ng Occidental Mindoro 75th Founding Anniversary – Arawatan Festival 2025.
#TurismoNaman#PasalubongCenter#MamburaoNaman#BayangMaipagmamalaki





