Ang Lokal na Pamahalaan ng Mamburao, sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan, Atty. Glicerio โ€œEKโ€ S. Almero III, ay patuloy na nagsasagawa ng mga kinakailangang hakbang upang matiyak ang kaligtasan, kahandaan, at kapakanan ng bawat Mambureรฑo sa inaasahang epekto ng Bagyong โ€œUWANโ€ (Fung-Wong).

Sa pakikipagtulungan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at iba pang kaugnay na ahensya, kasalukuyang isinasagawa ang mga preparasyon at koordinasyon bilang bahagi ng maagap na pagtugon sa posibleng epekto ng nasabing bagyo.

Hinihikayat ang lahat ng mamamayan na manatiling alerto, maging handa, at makinig lamang sa mga opisyal na abiso at anunsyo ng Pamahalaang Lokal ng Mamburao at ng MDRRMO.

#MamburaoNaman

#MDRRMOMamburaoInAction

“๐‘ฌ๐’Ž๐’‘๐’๐’˜๐’†๐’“๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘ช๐’๐’Ž๐’Ž๐’–๐’๐’Š๐’•๐’Š๐’†๐’”, ๐‘บ๐’‚๐’—๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘ณ๐’Š๐’—๐’†s!”