Naging masaya at madamdamin na puno ng pagmamahal ang unang araw ng selebrasyon ng Nurse Week sa Occidental Mindoro Provincial Hospital, October 27.
Sa pahayag ni Chief of Hospital Dr. Reynaldo Feratero, hinimok niya ang lahat, lalong higit ang mga nurse na maging matatag sa kabila ang mga isyu na ibinabato sa kanila at sa buong ospital, ganun din ay patuloy na magsilbi sa pasyente ng buong puso at pagmamahal.
โ๐๐ถ๐ธ๐ข๐จ ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ-๐ข๐ญ๐ข๐ญ๐ข, ๐ด๐ข ๐ฃ๐ข๐ฏ๐ฅ๐ข ๐ฅ๐ช๐บ๐ข๐ฏ ๐ข๐บ ๐ฎ๐ข๐บ๐ณ๐ฐ๐ฐ๐ฏ ๐ฅ๐ช๐ฏ ๐ฎ๐ข๐จ๐ด๐ข๐ด๐ข๐ญ๐ช๐ต๐ข ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ. ๐๐ข๐ข๐ณ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ ๐ฎ๐ข๐ณ๐ช๐ณ๐ช๐ฏ๐ช๐จ ๐ฏ๐จ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐ข๐ณ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฏ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ฎ๐ข๐ช-๐ฆ๐น๐ฑ๐ญ๐ข๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ช๐ฅ๐ฆ ๐ฏ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฃ๐ถ๐ต๐ช ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ฎ๐ข๐บ ๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ต๐ข๐ฐ๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐ฉ๐ช๐จ๐ช๐ต ๐ฏ๐ข ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ๐ช๐จ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ช๐ฃ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฏ๐ฆ๐จ๐ข๐ต๐ช๐ท๐ฆ ๐ค๐ฐ๐ฎ๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ด. ๐๐ฆ๐ณ๐ฐ ๐ข๐ต ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐ฆ๐ฏ๐ฅ, ๐ฎ๐ข๐บ ๐ฎ๐ข๐จ๐ต๐ข๐ต๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ฐ๐ญ ๐ฅ๐ช๐ฏ ๐ด๐ข ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ,โ paliwanag ni Dr. Feratero.
Ipinaalala din ni Dr. Feratero sa lahat kung sino si Florence Nightingale โ isang nurse na nakilala noong Crimean War kung saan bumaba ang bilang ng namamatay dahil sa pagsasa-ayos niya ng kalinisan at kundisyon ng sugatang sundalo. Nakilala siya bilang โThe Lady with the Lampโ dahil sa palagi niyang pagbisita sa mga pasyente sa gabi na may dalang lampara. โ๐๐ข๐ต๐ถ๐ญ๐ข๐ฅ ๐ฏ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ, ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐ข๐ณ๐ข๐ธ-๐ข๐ณ๐ข๐ธ ๐ฏ๐ข ๐จ๐ข๐ธ๐ข๐ช๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฐ๐ด๐ฑ๐ช๐ต๐ข๐ญ. ๐๐ข๐บ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ข ๐ด๐ข ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ด๐บ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ฆ,โ aniya.
Bago matapos ang Flag Ceremony, hiniling ni Dr. Feratero ang lahat na yakapin ang mga nurses bilang balik pasasalamat dahil sila ang katuwang sa lahat ng departamento ng ospital, dahilan upang bumuhos ang luha ng ilan.
Lubos naman ang pasasalamat nina OIC Chief Nurse Josephine A. Dipasupil, ganun din nina Nurse Supervisors Estelita B. Eugenio, Emeteria M. De Padua, Catherine A. Hernandez, Djhoanna A. Paglicawan, Ma. Rosario C. Beron, at AO V John Darwin T. Hernandez, kasama ang lahat ng nurses, sa pagkilala na kanilang natanggap mula sa pamunuan ng OMPH.
Para naman maging masigla ang simula ng Lunes, isang Zumba dance din ang isinagawa na naghatid naman ng ngiti sa bawat isa.
Nasa ikatlong taon na ng pagdiriwang ng Nurse Week sa OMPH bilang pasasalamat at pagbibigay halaga sa trabaho na ginagawa ng kanilang hanay.
#NurseNaman#OMPH#MamburaoNaman#BayangMaipagmamalaki







