MAMBURAO, Occidental Mindoro – Buong puso ang pasasalamat ni Mayor Atty. Glicerio “E-K” Almero III sa mga guro sa pagdiriwang ng Teachersโ€™ Day noong Oktubre 3, na may temang โ€œEmpowering Educators: Strengthening Resilience, Building Sustainability.โ€

โ€œAko po ay produkto rin ng DepEd, kaya asahan nโ€™yo na hindi namin kayo pababayaan. Lahat ng makakaya ng munisipyo ay ibibigay para sa ating mga mahal na guro. Hindi ko mararating ang aking kinalalagyan kung hindi dahil sa inyo. Saludo at respeto po sa lahat ng mga mahal na guro,” mensahe ni Mayor Almero.

Pinangunahan ang selebrasyon ni PSDS Dr. Jiji Tiuzen bilang pagkilala sa mahalagang papel ng mga guro sa paghubog ng kabataan at komunidad.

Nagbigay-pugay rin si Retired CID Chief Dr. Raquel P. Girao sa mga guro, aniya, โ€œIsang pagsaludo sa magagaling na guro, sa mga dakilang guro na kawangis ng ating Panginoon.โ€

Bilang pakikiisa at pagpupugay sa mga guro ay dumalo din at nagbigay ng kanilang mensage ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Kon. Atty. Yanna Abeleda, Kon. Mel Ramirez, Kon. Dr. Wyn Esperanza, Kon Brian Bautista, at Kon. Ricky Pantoja.

Sa nasabing okasyon ay isinagawa din ang paghahayag at pagbibigay parangal sa mga natatanging guro sa ibaโ€™t ibang kategorya. Binigyang pagkilala din ang mga guro na matagal na at kasalukuyan pa ring nagsisilbi sa institusyon at nagbibigay gabay at kaalaman sa mga mag-aaral.

Pinadaloy nina Teacher Angel Tamayosa (Teacher I) at Teacher Annaliza Laguerta (Teacher III) ang programa, na dinaluhan ng mga opisyal ng Sangguniang Bayan: Mel Ramirez, Bryan Bautista, Wyn Wright Esperanza, at Iana Ysabel Abeleda. Dumalo rin si Municipal PTA Federation President Alex Llaneta at kanyang mga kasamahang opisyales.

Samantala, naging hurado sa patimpalak sina Admin Officer V Dr. Dennis Michael G. Abeleda, Instructor of OMSC-Mamburao Campus Christian Altarejos at Retired Principal Senen T. De Lara.

#ElementaryTeachersNaman#MamburaoNaman#BayangMaipagmamalaki