Higit sa 70 bagong bahay sa Mamburao Ville ang nai-turnover sa benepisaryo sa simpleng seremonya na ginanap sa Sitio Dapi, Brgy. Payompon sa bayan ng Mamburao, Occidental Mindoro.
Pinangunahan nina Gov. Ed Gadiano at Mayor Atty. E-K Almero, ang turnover ceremony ay sinaksihan nina Pag-ibig Fund Business Development Department โ Division Chief Jose Maralag II, Pag-Ibig Fund Business Development Department Manager Margarita Arnedo, Region IVB Director Mary Ann Policarpio at Assistant Regional Director ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), at AJJ Real Estate Development Corporation โ Operations Manager Jo-Anne N. Rodolfo, February 1.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Gov. Gadiano na patuloy ang pangangailangan ng lalawigan sa mas maraming socialized housing projects, lalo na para sa mga pamilyang nagsisimula pa lamang. Binanggit din niya ang kahalagahan ng pabahay program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbibigay ng matatag at legal na tirahan sa mga mamamayan.
Binigyang-diin naman ni Mayor Almero ang kahirapan ng mga pamilyang walang sariling lupa at bahay, at pinasalamatan ang pagkakaroon ng naturang proyekto sa Mamburao. Hiniling din niya na madagdagan pa ang mga socialized housing projects sa bayan.
Naroon din si Kon. Oliver Mataro na bumati sa mga benepisaryo at bilang kinatawan ng Sangguniang Bayan.
Mula naman sa hanay ng Pag-Ibig at DHSUD, paalala nila sa mga benepisaryo na pahalagahan at pagyamanin ang tahanan mula sa socialized housing program. Siniguro din nila na patuloy ang administrasyon ni Pres. Marcos, Jr. sa pagsusulong ng solusyon upang tugunan ang kakulangan sa pabahay sa buong bansa.
Pinaalalahanan ng mga opisyal ng Pag-IBIG Fund at DHSUD ang mga benepisyaryo na pangalagaan ang kanilang mga tahanan at tiniyak ang patuloy na pagsusulong ng pambansang pamahalaan sa mga programang tutugon sa kakulangan sa pabahay.
Ang Mamburao Ville Socialized Housing Project ay sa pagtutulungan ng Pag-IBIG Fund, DHSUD, AJJ Real Estate Development Corporation, at ng pamahalaang panlalawigan at bayan. Ang mga housing unit ay may buwanang hulog na maaaring iproseso sa pamamagitan ng Pag-IBIG Fund.
Para sa karagdagang detalye, maaaring makipag-ugnayan sa AJJ Real Estate Development Corporation sa kanilang opisyal na Facebook page.
#MamburaoVilleSocializedHousingProject #MamburaoVille #BrgyPayompon #MamburaoNaman #BayangMaipagmamalaki






