Ipinagkaloob na ng Mamburao LGU ang โcentenarian incentiveโ kina Lola Leona at Lola Corazon bilang pagkilala at suporta sa kanila.
Si Lola Leona Malabay ng Purok Bansutan, Brgy. Payompon ay nakatanggap ng halagang P15,000.00 dahil narating na niya ang edad 95. Halagang P10,000.00 naman ang tinanggap ni Lola Corazon de Jesus sa edad na 90 ng Brgy. 3.
Ang pagbibigay insentibo ay isinagawa nina MSWDO Noralen Nieva, OSCA Head Vito Alvarez, kasama sina Tess Vizconde at Vicky Gacuan ng Municipal Treasurerโs Office.
Bilang Local Chief Executive ay patuloy na ipatutupad ni ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐๐๐๐. ๐-๐ ๐๐น๐บ๐ฒ๐ฟ๐ผ ๐๐๐ ang isang Municipal Ordinance na nagbibigay insentibo sa senior citizens kung saan tatanggap ng Php10,000.00 ang makarating ng edad na 90, Php15,000.00 sa edad na 95, at P25,000.00 sa edad na 100, o kabuuang Php50,000.00. Ito ang nagsisilbing โlocal counterpartโ ng Mamburao LGU sa ๐๐ฒ๐ป๐๐ฒ๐ป๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป ๐๐ฐ๐ ๐ผ๐ณ 2016 na nagbibigay ng Php100,000.00 cash incentive sa makakarating ng edad 100.
#SeniorCitizenNaman#MamburaoNaman#BayangMaipagmamalaki







